Nasawi ang hindi bababa sa 24 katao matapos tumaob ang isang bangka na lulan ang daan-daang indibidwal na umano’y dadalo sana sa isang libing sa Bayelsa, Nigeria.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente nitong Biyernes habang bumibiyahe ang bangka mula sa Ayama communities patungong Ukubie nang magkaroon umano ito ng aberya sa makina.
Sinabi ni Manzo Ezekiel, tagapagsalita ng National Emergency Management Agency, na 24 na bangkay na ang narekober sa lugar habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.
Apat na bangkay, kabilang ang dalawang bata, ang unang narekober noong Biyernes. Samantala, 24 na iba pa ang nailigtas, kung saan 19 ang nilapatan ng lunas sa isang lokal na klinika at lima ang dinala sa ospital sa kabisera ng estado.
Bagama’t hindi tinukoy ng pulisya ang eksaktong bilang ng mga sakay, sinabi ng ilang residente na aabot umano sa 300 ang mga pasahero ng bangka.Ayon pa sa pulisya, tumakas ang operator ng bangka habang nasa kustodiya











