Hindi sasabak si triathlete Kira Ellis para sa Pilipinas sa 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan matapos maaksidente habang nagsasanay sa bisikleta.
Ayon kay Ellis sa kanyang social media post, nabangga siya ng isang kotse habang nasa training ride, dahilan upang ipahinga muna niya ang kanyang karera ngayong taon.
Sinabi ng Southeast Asian Games gold medalist na maglalaan siya ng natitirang bahagi ng taon para sa recovery at planong bumalik sa kompetisyon sa susunod na taon.
Inilarawan ni Ellis bilang “roller coaster” ang kanyang taon matapos makaranas ng knee injury na tumagal nang ilang buwan, bukod pa sa muling pagbalik ng dati niyang injury.
Kasama si Ellis sa listahan ng Triathlon Association of the Philippines para sa women’s individual triathlon event sa Asian Games.











