--Ads--

Nagpahayag ng kumpiyansa si bagong head coach BT Toews na patuloy na aangat ang Gilas Pilipinas Women sa kabila ng hindi magandang naging kampanya nito sa FIBA Olympic Pre-Qualifying Tournament sa Guadalajara, Mexico.

Isang panalo lamang ang nakamit ng Pilipinas matapos talunin ang Senegal, 79-75, sa huling laro nito sa torneo. Natalo naman ang Gilas Women sa Canada at Mexico kaya nabigo itong makakuha ng outright ticket sa Olympic qualifiers.

Ayon kay Toews, hindi sapat ang pakikipaglaban lamang sa mataas na antas ng kompetisyon dahil kailangan ding mapahusay ng koponan ang execution at mabawasan ang mga pagkakamali sa bawat laro. Aniya, isang laro pa lamang ang hindi makapagbibigay ng pagkakakilanlan sa koponan ngunit nasa tamang direksiyon na sila.

Ang susunod na malaking hamon ng Gilas Women ay ang Asian Games sa Japan, kung saan umaasa si Toews na mas matututo at magiging mas kompetitibo ang koponan, habang pangunahing target pa rin nila ang manalo.

--Ads--