--Ads--

Matapos ang Asian Games, tututok na ang national boxing team sa kampanya para makakuha ng tiket sa 2028 Los Angeles Olympics.

Sa Asian Games sa Nagoya, Japan, isang pilak lamang ang naiuwi ng koponan matapos matalo si Tokyo Olympics silver medalist Carlo Paalam sa finals ng men’s 55kg division.

Target din nina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas ang Olympic qualification.

Unang sasabak ang koponan sa 2027 World Boxing Championships sa Astana, Kazakhstan, kung saan 44 Olympic spots ang nakalaan.

--Ads--

Bukod dito, kabilang din sa qualifying events ang Asian Boxing Championships sa China at dalawang world qualifying tournaments sa 2028.