Umabot na sa 118 na mga lugar sa Bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng bagyong Luis, Maymay, Neneng, at ng Southwest Moonsoon o ng Habagat ayon ito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Batay sa datos ng NDRRMC, kabilang sa mga nagdeklara ang buong lalawigan ng Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at Cavite.
Nasa ilalim din ng state of Calamity ang Dagupan, Dagupan; Santa Barbara, Mangaldan Bugalion, Mangatarem sa Pangisinan; at Rodriguez (Montalban) sa Rizal.
Samantala, nagdeklara narin ang probinsiya ng Tarlac ng State of Calamity dahil sa malawak na pinsalang natamo bunsod ng habagat.
Ayon kay Tarlac Governor Christian Yap, na inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution 416-2026 na nagdedeklara isailalim sa state of calamity ang buong Tarlac.
Ang nasabing deklarasyon ay base na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Maraming mga lugar sa Tarlac ang naapektuhan ng malawakang pagbaha kung saan dalawang tulay ang nasira dahil sa walang tigil na pag-ulan.











