Opisyal nang nagretiro sa Gilas Pilipinas si nine-time PBA MVP June Mar Fajardo matapos ang 13 taon niyang paglalaro para sa national team.
Ipinahayag ng 36-anyos na si Fajardo ang kanyang pagreretiro sa international basketball nitong Linggo, matapos ang laban ng Gilas Pilipinas kontra Iran sa FIBA World Cup Asian Qualifiers Window 4 sa Mall of Asia Arena.
Nagwagi ang Gilas Pilipinas kontra Iran, 68-56, na nagsilbing huling FIBA appearance ni Fajardo para sa national team.
Mula nang mapasama sa Gilas noong 2013, nakapaglaro si Fajardo sa tatlong FIBA World Cup at 70 FIBA-level games, bukod pa sa iba’t ibang torneo sa Asya at Southeast Asia.
Ayon kay Fajardo, nais pa rin niyang maglaro ng basketball ngunit hindi na umano kinakaya ng kanyang katawan ang mga pisikal na hamon ng international basketball.





