--Ads--

Hindi bababa sa 153 katao ang nasawi matapos tamaan ng drone strike ang isang pamilihan sa Abyei, pinagtatalunang teritoryo ng Sudan at South Sudan, na nagdulot ng sunog sa kalapit na imbakan ng gasolina.

Ayon sa opisyal ng lokal na pamahalaan, patuloy pang tumataas ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang sunog. Inako naman ng militar ng Sudan ang pag-atake, na anila’y target ang mga tanker ng gasolina na hinihinalang magsusuplay sa paramilitary group na Rapid Support Forces.

Samantala, mahigit 20 sugatan ang dinala sa isang ospital, kabilang ang mga kritikal ang kondisyon at nagtamo ng mga paso. Tinuligsa ng pamahalaan ng South Sudan ang pag-atake at nanawagan na protektahan ang mga sibilyan.