--Ads--

Bukas ang pinto ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone para kay naturalized player Justin Brownlee sakaling makalaro ito sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Hindi nakasama si Brownlee sa dalawang laban ng Gilas kontra Jordan at Iran sa second round ng FIBA World Cup Asian Qualifiers dahil nagpapagaling pa ito mula sa injury.

Umaasa si Cone na makababalik si Brownlee upang makatulong sa Gilas Pilipinas na maipagtanggol ang kanilang korona sa Asian Games.

Kasama ang pangalan ni Brownlee sa Final 12 na inihahanda ni Cone para sa torneo, bagama’t wala pang kumpirmasyon kung tuluyang makapaglalaro ang naturalized player.

--Ads--

Ayon kay Cone, may posibilidad na bumiyahe si Brownlee patungong Japan para sa Asian Games, ngunit hindi pa ito pinal.