--Ads--
Niregaluhan ni Ogie Diaz ng ₱1 milyon ang anak niyang si Erin sa kanyang ika-25 kaarawan matapos nitong matupad ang kondisyon ng kanyang ama na manatiling walang asawa at anak hanggang sa edad na 25.
Ibinahagi ni Erin sa kanyang birthday vlog ang espesyal na sandali nang iabot sa kanya ni Diaz ang tseke na nagkakahalaga ng ₱1 milyon.
Ayon kay Diaz, layunin niyang hikayatin ang kanyang mga anak na sulitin muna ang kanilang kabataan bago mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya.
Plano naman ni Erin, na nasa culinary field, na gamitin ang pera bilang puhunan sa pagtatayo ng coffee shop.
--Ads--
Sinabi rin ni Diaz na makatatanggap din ng tig-₱1 milyon ang iba pa niyang mga anak kapag umabot sila sa edad na 25 na walang asawa at anak.










