--Ads--

Emosyonal ang aktres na Ruffa Gutierrez habang binalikan ang kanyang buhay bilang single mother at ipinahayag ang pagmamalaki sa mga anak na sina Lorin at Venice Bektas.

Sa social media, ibinahagi niya ang hirap at sakripisyong pinagdaanan sa pagpapalaki sa mga anak, kabilang ang puyat at pagluha, sa tulong ng kanyang pamilya.

Sa kabila ng lahat, pinili niyang maging matatag at matuto sa halip na magkimkim ng sama ng loob.

Ipinagmalaki rin ni Ruffa ang tagumpay ng kanyang mga anak kung saan malapit nang magtapos si Lorin sa Pepperdine University, habang si Venice ay sophomore na sa kursong political science.

--Ads--

Ayon sa aktres, sulit ang lahat ng kanyang pinagdaanan at nananatili siyang nagpapasalamat at umaasa sa mas magandang hinaharap.