Kinumpirma ng Bureau of Immigration o BI na umalis ng bansa sina Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano.
Ayon sa BI, walang hold departure order o anumang derogatory record laban sa magkapatid na maaaring legal na pumigil sa kanilang pag-alis noong araw ng kanilang biyahe.
Gayunman, sinabi ng BI na hindi nito maaaring ibunyag ang detalye ng kanilang paglalakbay, kabilang ang itinerary, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Lumabas ang pahayag ng BI kasunod ng mga ulat na sumakay sa isang flight sina Alan at Pia Cayetano nitong Miyerkules.Nauna nang iniulat na bumiyahe si Alan patungong Singapore, kasunod ng mga ulat na maaari siyang maharap sa criminal indictment kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagdaraos ng 2019 Southeast Asian Games.











