Tiniyak ng Philippine General Hospital o PGH na magiging ‘obhetibo ‘onjective’ o walang kinikilingan at propesyonal ang gagawing independent medical assessment sa dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez.
Inilipat si Romualdez sa PGH mula sa Cardinal Santos Medical Center matapos utusan ng Sandiganbayan Third Division ang pagsasagawa ng independent review sa kanyang kalagayan.
Ayon sa PGH, bumuo ito ng panel ng mga espesyalista na magsasagawa ng sariling medical examinations at diagnostic tests bago ihanda ang comprehensive medical report na isusumite sa Sandiganbayan.
Batay sa naturang report, pagpapasyahan kung mananatili sa ospital si Romualdez o maaari nang ilabas.
Dinala si Romualdez sa PGH alas-8:45 ng umaga na sinamahan ng mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology.
Una nang sinabi ng kanyang mga doktor na mayroon siyang ilang kondisyon kabilang ang high blood pressure, habang sinabi naman ng kanyang psychologist na nakitaan siya ng depression at anxiety.
Nilinaw ng PGH na hindi nito ilalabas ang anumang detalye tungkol sa kondisyon o resulta ng pagsusuri ni Romualdez, maliban kung ito ay iutos ng korte.
Nahaharap si Romualdez sa P7.4-bilyong plunder case sa Sandiganbayan kaugnay sa umano’y pagkakasangkot sa flood control mess.





