Makakaharap ni Filipina tennis ace Alex Eala si Tatiana Prozorova sa round of 16 ng Singapore Tennis Open.
Binigyan ng first-round bye si Eala bilang No. 18 sa WTA rankings at third seed ng torneo.
Samantala, umabante sa round of 16 si Prozorova matapos talunin si Sofia Costoulas ng Belgium sa score na 5-7, 7-6, 6-2.
Ito ang unang pagkakataon ni Prozorova na makakuha ng direct entry sa isang WTA 500 tournament.
Ang 22-anyos na Russian, na kasalukuyang world No. 180, ay may 27 panalo at 15 talo ngayong 2026, habang nasa No. 140 ang kaniyang career-high ranking na naitala noong Hulyo 2025.
Ang laban nina Eala at Prozorova ang kanilang unang pagkikita sa isang tournament at inaasahang gaganapin ngayong Huwebes.
Samantala, umatras naman sa torneo ang second seed na si Amanda Anisimova.










