--Ads--

Nasungkit ng Uzbekistani athlete na si Nodirbek Shavkatov ang hindi kanais-nais na rekord matapos maging unang medalist sa 2026 Asian Games sa Japan na nagpositibo sa doping.

Nagkamit si Shavkatov ng bronze medal sa mixed martial arts sa Aichi-Nagoya, ngunit kabilang na siya sa tatlong atleta sa naturang torneo na nabigong makapasa sa drug test.

Ayon sa International Testing Agency, pansamantalang sinuspinde si Shavkatov matapos magpositibo sa ipinagbabawal na substance na meldonium.

Isang araw bago nito, nagpositibo rin sa meldonium ang Turkmenistani karate athlete na si Dayanch Keletliyev.

--Ads--

Ang meldonium ay isang prescription medication para sa kondisyon sa puso na maaaring makatulong sa endurance at pagpapabilis ng muscle recovery.

May karapatan si Shavkatov na kuwestiyunin ang provisional suspension at humiling ng pagsusuri sa kanyang B-sample.