--Ads--

Naghain ng petisyon ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal sa Korte Suprema laban sa dalawang taong pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na orihinal na nakatakda sa Nobyembre 2, 2026.

Inihain ni Macalintal ang petition for certiorari and prohibition matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa nasabing halalan.

Hiniling din niya sa Korte Suprema ang agarang pag-raffle sa petisyon at pagpapalabas ng status quo ante order, temporary restraining order at writ of preliminary injunction.

Nais din niyang atasan ng Korte Suprema ang COMELEC na ipagpatuloy ang mga paghahanda para sa BSKE, kabilang ang paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga kakandidato.

--Ads--

Bukod dito, hiniling ni Macalintal na ideklarang labag sa Konstitusyon ang Republic Act No. 12326, na nagtatakda ng limang taong termino para sa mga opisyal ng Barangay at SK at nagpaliban sa halalan na nakatakda sana ngayong Nobyembre.