Dalawang Pilipino ang nasawi habang walong iba pa ang malubhang nasugatan matapos tumaob ang isang coach na kanilang sinasakyan patungo sa Oktoberfest beer festival sa southern Germany nitong Linggo, Setyembre 27.
Ayon sa pulisya, nangyari ang aksidente dakong alas-12 ng tanghali, oras sa Pilipinas, sa isang motorway malapit sa Buchloe, isang lugar na malapit sa hangganan ng Germany at Austria.
Sakay ng bus ang 33 turistang Pilipino at dalawang Italian driver. Pauwi na sana ang mga ito mula sa bayan ng Mailand patungo sa Munich para dumalo sa Oktoberfest.
Batay sa paunang imbestigasyon, lumabas muna sa kalsada ang coach bago ito tuluyang tumaob.
Isang 58-anyos na lalaki ang kabilang sa mga nasawi, habang hindi pa nakikilala ang ikalawang biktima.
Agad na rumesponde ang malalaking pwersang pang-emergency sa lugar, habang isinara naman sa magkabilang direksyon ang motorway dahil sa insidente.











