Pinaghahanap ng mga rescue personnel ang isang 5-anyos na bata matapos umanong malunod bandang alas-6 ng gabi nitong Setyembre 30, sa Purok 6, Barangay Baligatan, City of Ilagan.
Batay sa paunang impormasyon, agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga responder matapos maiulat ang insidente.
Halos apat na oras na nagsagawa ng paghahanap ang mga rescue personnel kagabi ngunit hindi nila natagpuan ang bata.
Muling nagbalik ngayong araw ang mga responder upang ipagpatuloy ang search and rescue operation at matukoy ang kinaroroonan ng bata.
Patuloy din ang verification ng mga kinauukulang awtoridad upang makumpirma ang insidente, matukoy ang buong pangyayari at makakuha ng iba pang detalye kaugnay ng insidente.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa mga awtoridad hinggil sa kinaroroonan ng bata.











