--Ads--

Libu-libong job opportunities at iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan ang inilapit sa publiko sa pamamagitan ng isinagawang Mega Job Fair at Government Services Caravan sa The Capital Arena sa Barangay Alibagu, Ilagan City, Isabela.

Kabilang sa mga alok ang 34 na lokal na job opportunities at anim na recruitment agencies para sa mga naghahanap ng trabaho sa ibang bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Jesus Elpidio Atal Jr. ng DOLE Region 2, sinabi nitong nasa 40 employers ang inaasahang lumahok sa job fair na nag-alok ng libu-libong trabaho, partikular sa overseas employment.

Ayon kay Atal, layunin ng aktibidad na pagtagpuin sa iisang lugar ang mga job seekers, employers at recruitment agencies upang mapabilis ang proseso ng paghahanap at pag-aaplay ng trabaho.

--Ads--

Kasabay nito, isinasagawa rin ang Government Services Caravan kung saan nagkakaloob ng iba’t ibang serbisyo ang mga ahensya gaya ng PNP, NBI, SSS, PSA, TESDA, PhilHealth, DICT at Pag-IBIG.

Hinikayat naman ng opisyal ang mga kwalipikadong aplikante na samantalahin ang pagkakataong makahanap ng trabaho at mapakinabangan ang mga serbisyong inilalapit ng pamahalaan.