--Ads--

Hinimok ng Malacañang si dating House Speaker Lord Allan Velasco na umuwi sa Pilipinas at harapin ang mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa umano’y pagpapadala ng malaking halaga kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nararapat umanong magsalita si Velasco at ipaliwanag ang pagbanggit sa kanyang pangalan ng dati niyang security aide na si Rodulfo Gracioso.

Giit ni Castro, si Velasco mismo ang makapagbibigay-linaw sa mga alegasyon at makapagtatanggol sa kanyang sarili at sa kanyang asawa.

Kinuwestyon din ng Palasyo ang pananatili ni Velasco sa ibang bansa habang isinasagawa ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban sa kanya.

--Ads--

Sinabi ni Castro na kung wala namang dapat ikatakot si Velasco, wala umano itong dahilan upang umiwas at hindi harapin ang isyu.