Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang muling pagpapalit ng kalihim ng Presidential Communications Office (PCO), matapos italaga si Lino Cayetano bilang bagong pinuno ng ahensya kapalit ni dating acting secretary Dave Gomez.
Si Cayetano ang ikaanim na kalihim ng PCO sa loob ng apat na taon ng administrasyong Marcos.
Ayon sa Pangulo, kailangang iakma ng tanggapan ang mga estratehiya nito sa nagbabagong paraan ng paghahatid ng impormasyon sa publiko.
Binigyang-diin din niya ang pangangailangang paghusayin ang pagpapalaganap ng impormasyon sa pamamagitan ng social media at iba pang makabagong plataporma.
Umaasa si Marcos na sa pamumuno ni Cayetano, mas mabilis na maihahatid sa publiko ang wasto at napapanahong impormasyon tungkol sa mga programa ng pamahalaan.











