--Ads--
Muling naghatid ng saya sa kaniyang mga tagahanga sa Pilipinas ang American singer-songwriter na si Charlie Puth sa kaniyang pagbabalik sa Maynila matapos ang sampung taon.
Nagtanghal si Puth nitong Miyerkules, Oktubre 14, 2026, sa SM Mall of Asia Arena bilang bahagi ng kaniyang Whatever’s Clever! World Tour.
Kabilang sa mga awiting itinanghal niya ang mga kanta mula sa kaniyang pinakabagong album na Whatever’s Clever!, gaya ng “Changes,” “Home,” at “Beat Yourself Up.”
Inawit din ng singer ang ilan sa kaniyang mga patok na kanta na kinagigiliwan ng mga tagahanga, kabilang ang “One Call Away,” “See You Again,” at “Dangerously.”
--Ads--











