Hangad ni Alex Eala na makabangon sa sunod na WTA 500 Ningbo Open sa China matapos ang hindi magandang kampanya sa singles at doubles events ng Wuhan Open.
Nabigo si Eala na makausad sa singles matapos yumuko kay Chinese netter Shi Han sa iskor na 4-6, 6-3, 6-3.
Hindi rin pinalad ang Pinay tennis star sa doubles event, kung saan nakasama niya ang kaibigang si Zeynep Sonmez ng Turkey.
Dahil dito, ibubuhos na ni Eala ang kanyang paghahanda sa Ningbo Open na nakatakdang idaos mula Oktubre 19 hanggang 25 sa Ningbo, China.
May 28 manlalaro ang sasabak sa main draw ng torneo, habang ang apat na nangungunang seeded players lamang ang makatatanggap ng first-round bye.
Kabilang sa mga nakatakdang lumahok sina defending champion Elena Rybakina ng Kazakhstan, world No. 4 Jessica Pegula ng United States, world No. 6 Elina Svitolina ng Ukraine, at world No. 9 Iga Swiatek ng Poland.











