--Ads--

Maagang nagtapos ang kampanya ni Alex Eala sa singles draw ng WTA 1000 Wuhan Open sa China matapos siyang talunin ni hometown bet Han Shi sa Round of 64 nitong Lunes, Oktubre 12.

Naitala ni Shi, na kasalukuyang nasa ika-231 puwesto sa world rankings, ang 4-6, 6-3, 6-3 na panalo matapos makabawi sa unang set laban sa Filipina tennis star.

Nagpalitan ng puntos ang dalawa sa unang set bago nakuha ni Eala ang dalawang sunod na laro upang manguna. Gayunman, bumawi si Shi sa ikalawa at nagpatuloy ang momentum nito hanggang sa deciding set.

Itinuturing itong pinakamalaking panalo sa karera ng 21-anyos na si Shi, na nakapasok sa main draw matapos talunin si Kamilla Rakhimova ng Uzbekistan sa qualifying round.

--Ads--

Sa kabila ng maagang pagkatalo sa singles, nakatakda pang lumahok si Eala sa doubles draw kasama ang Turkish player na si Zeynep Sönmez.