--Ads--

Nakatakdang magtaas ng alert status ang Traffic Enforcement Unit (TEU) Santiago City sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3 para sa paggunit ng Undas ngayong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao Jr., Acting chief ng TEU Santiago, sinabi nito na magkakaroon ng posting ang kanilang hanay sa sementeryo sa barangay Caloocan, bus terminals at Integrated Transport Terminal Complex (ITTC) 4lanes Plaza.

Maliban sa deployment ng personnel, ay tututukan ng kanilang hanay ang road clearing upang maiwasan ang traffic congestion, at pagbibigay ng assistance sa mga motorista.

Mayroon aniya silang contact sa mga mekaniko at vulcanizing shops upang matulungan ang mga motorista kung sakali mang magkaroon ng aberya ang kanilang sasakyan.

--Ads--

Dahil sa inaasahang magkakaroon ng malaking volume ng sasakyan sa bahagi ng four lanes, tiniyak ni PMaj. Aggabao na isa ito sa mga babantayan nila upang maiwasan ang build-up ng traffic.

Mahigpit ding ipinatutupad ang anti drunk and drug driving laban sa mga motoristang nagmamaneho nang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.