--Ads--

Muling nahalal si Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva para sa kaniyang ikaapat na termino matapos makakuha ng mahigit 51 porsiyento ng mga boto sa presidential runoff election nitong Linggo.

Tinalo ni Lula ang kaniyang karibal na si Senator Flávio Bolsonaro, na nahuli ng tinatayang 4.4 milyong boto.

Gayunman, tumanggi si Bolsonaro na kilalanin ang resulta ng halalan at nangakong magsasampa ng legal na hamon upang ipawalang-bisa ito.

Kinuwestiyon ni Bolsonaro ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin nang dalawang oras ang pagboto, na aniya ay dahilan upang hindi niya matanggap ang resulta.

--Ads--

Samantala, nangako si Lula na babaguhin ang paraan ng pamamahala sa bansa at bibigyan ng mas malaking papel ang mamamayan sa mga desisyon ng kaniyang administrasyon.

Naging sentro ng kampanya ang pagtaas ng gastusin sa pamumuhay, krimen at korapsyon sa Brazil.