--Ads--

Inihahanda na ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Cauayan ang isang ordinansa na mag-oobliga sa lahat ng owners at tenants ng mga apartment at boarding house na magparehistro bago mag-operate sa lungsod.

Layunin ng nasabing hakbang na sugpuin ang lumalaganap na modus ng mga grupong nananamantala at nagtatagong kawatan na dumadayo sa Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang Panlungsod Paolo Eleazar “Miko” Delmendo, ipinaliliwanag niya kung bakit mahalaga ang ordinansang ito.

Ayon sa LGU, madalas na ginagawang taguan ng mga dayong kawatan ang mga apartment at boarding house dahil hindi nakatala ang kanilang pagkakakilanlan sa mga barangay, kaya’t nakagagawa sila ng mga gawaing labag sa batas.

--Ads--

Sa pamamagitan ng profiling na ito, mas madaling matutukoy at maiiwasan ang pagpasok ng mga taong may masamang balak sa lungsod.

Sa kasalukuyan, dadaan pa sa masusing proseso at talakayan ang ordinansa upang matiyak ang maayos at mabisang pagpapatupad nito bilang proteksyon at prevention para sa mamamayan ng Cauayan.