--Ads--

Muling nabawi ni Mexican boxing superstar Canelo Alvarez ang WBC super middleweight championship matapos talunin si Christian Mbilli sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang 12-round bout nitong Sabado ng gabi. Nagkakaisang ibinigay ng mga hurado ang panalo kay Alvarez sa iskor na 115-112, 116-111 at 117-110, dahilan upang matamo ni Mbilli ang unang pagkatalo sa kanyang professional boxing career. Ito ang unang laban ni Alvarez mula nang maagaw sa kanya ni Terence Crawford ang undisputed championship noong Setyembre 2025. Naging dikdikan ang unang bahagi ng laban, ngunit nanaig ang beteranong boksingero sa ikalawang bahagi sa pamamagitan ng mga eksaktong counterpunch at sunod-sunod na kombinasyon. Sa panalo, napabuti ni Alvarez ang kanyang record sa 64 panalo, tatlong talo at dalawang tabla, habang bumagsak naman sa 29 panalo, isang talo at isang tabla ang kartada ni Mbilli.