--Ads--
Umabot na sa ₱100 milyon ang box-office earnings ng pelikulang Pee Mak, na pinagbibidahan nina Wilbert Ross at Bea Binene, dahilan upang makilala ang dalawa bilang certified box-office stars.
Nagpasalamat naman sina Bea at Wilbert sa kanilang mga tagahanga na sumuporta sa pelikula, na lokal na adaptasyon ng isang Thai movie.
Samantala, nakatakdang ipagpatuloy ni Wilbert ang kaniyang WRten concert tour sa CALABARZON sa Nobyembre 28 matapos ang matagumpay na homecoming concert sa Davao.
Bago nito, magbabakasyon muna siya sa Australia upang makapagpahinga at makapagsulat ng mga kanta. Plano rin niyang mag-ipon para makabili ng mas malaking condominium na magsisilbing investment para sa kaniyang trabaho at creative pursuits.
--Ads--





