--Ads--

Nakapagtala ng ₱315.47 bilyong net income ang mga bangko sa Pilipinas sa unang siyam na buwan ng 2026, mas mataas ng 4.2% kumpara sa ₱302.62 bilyon sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Batay sa paunang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pangunahing nag-ambag sa paglago ng kita ang interest earnings at iba pang banking activities.

Umabot sa ₱1.16 trilyon ang kabuuang operating income ng mga bangko, kung saan ₱979.09 bilyon ang nagmula sa net interest income at ₱178.09 bilyon naman sa non-interest income.

Samantala, umabot sa ₱638.46 bilyon ang kanilang non-interest expenses, kabilang ang administrative costs, suweldo at iba pang gastusin.

--Ads--

Sa kabila nito, nanatiling positibo ang kabuuang kita ng banking sector matapos maitala ang ₱315.47 bilyong profit pagkatapos ng buwis.