--Ads--

Nasawi ang hindi bababa sa 26 katao matapos bombahin ng puwersa ng Russia ang isang paaralan na ginagamit bilang humanitarian aid center sa rehiyon ng Zaporizhzhia, Ukraine.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, dalawang magkahiwalay na pag-atake ang isinagawa ng Russia, kung saan una nitong pinuntirya ang paaralan bago muling binomba ang gusaling nagsisilbing kanlungan ng mga residente.

Kabilang sa mga nasawi ang dalawang rescue workers at apat na pulis na rumesponde sa lugar, habang lima pa ang nasugatan.

Patuloy naman ang search and rescue operations dahil may mga residente pang pinaniniwalaang natabunan ng mga gumuhong bahagi ng gusali.

--Ads--