--Ads--

Inamin ni United States President Donald Trump na naging bahagi ng pagkatalo ng Republican Party sa katatapos na midterm elections ang nagpapatuloy na digmaan ng Estados Unidos laban sa Iran, partikular ang epekto nito sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa panayam ng media, sinabi ni Trump na malaki ang naging epekto ng naturang usapin sa resulta ng halalan dahil sa pagtaas ng presyo ng langis at gasolina na naramdaman ng mga mamamayan.

Gayunman, iginiit ng US President na hindi niya pinagsisisihan ang pag-atake sa Iran at gagawin niya itong muli kung kinakailangan upang hindi umano magkaroon ng nuclear weapons ang naturang bansa.

Ayon kay Trump, mas mahalagang pigilan ang Iran na magkaroon ng kakayahang gumamit ng nuclear weapons kaysa sa panandaliang epekto ng naturang hakbang sa ekonomiya.

--Ads--

Samantala, mas direktang itinuro naman ni US Vice President JD Vance ang digmaan bilang dahilan ng pagkatalo ng mga Republican, kasabay ng panawagang pagtuunan ng pansin ang mataas na gastusin sa pamumuhay at inflation.

Matatandaang nabawi ng Democratic Party ang mayorya sa House of Representatives at Senado matapos ang midterm elections, na nagdulot ng malaking pagbabago sa balanse ng kapangyarihan sa US Congress.