--Ads--

Pumalo sa 7.8 percent ang inflation rate sa Pilipinas nitong Oktubre, ang pinakamataas mula Pebrero 2023, bunsod ng pagsirit ng presyo ng pagkain, bigas at transportasyon.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, umabot sa 5.6 percent ang average inflation mula Enero hanggang Oktubre 2026, lampas sa two-to-four-percent target range ng pamahalaan.

Tumaas din sa 5.4 percent ang core inflation, habang bumagsak sa record low na 72 sentimos ang purchasing power ng piso batay sa halaga nito noong 2018.

Mas mabigat naman ang epekto nito sa mahihirap na pamilya, matapos pumalo sa 9.5 percent ang inflation rate ng bottom 30 percent income households, pinakamataas mula Enero at Pebrero 2023.

--Ads--