--Ads--
Pinakamabilis ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa Pilipinas kumpara sa walong iba pang ekonomiya sa Asia-Pacific matapos sumiklab ang digmaan ng US at Iran.
Ayon sa datos ng ING, umabot sa 63% ang fuel inflation sa Pilipinas, halos doble kumpara sa Indonesia na 35% at Thailand na 33%.
Sinabi ng ING na mas malaki ang naipapasa sa mga consumer sa Pilipinas mula sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Dagdag pa ng grupo, kabilang ang mataas na presyo ng langis, pagkain at epekto ng El Niño sa mga pangunahing panganib sa inflation sa bansa.
--Ads--
Dahil dito, inaasahan ng ilang ekonomista ang posibleng panibagong 25 basis points na interest rate hike ng Bangko Sentral ng Pilipinas ngayong Oktubre.











