--Ads--

Lumobo ng 24.8 percent ang agricultural trade deficit ng Pilipinas noong Setyembre 2026, na umabot sa 1.25 billion US dollars, pinakamataas mula Marso ngayong taon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 21.2 percent ang agricultural exports sa 642.11 million US dollars mula sa 814.40 million US dollars noong nakaraang taon.

Pinakamalaking bahagi ng exports ang edible fruits at nuts na nagkakahalaga ng 229.55 million US dollars o 35.7 percent ng kabuuang agricultural exports.

Samantala, tumaas ng 4.2 percent ang agricultural imports sa 1.89 billion US dollars, kung saan nanguna ang cereals na nagkakahalaga ng 483.84 million US dollars.

--Ads--

Sa Southeast Asia, Malaysia ang pangunahing bumibili ng agricultural products ng Pilipinas, habang Indonesia naman ang pinakamalaking supplier ng mga produktong agrikultural sa bansa.