--Ads--

Hinamon ni House Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang pinagmulan ng perang ginamit sa kanyang biyahe sa Hong Kong nitong Nobyembre 6 hanggang 8.

Ito ay matapos ipabatid ng Office of the Vice President (OVP) na personal na pera ng Bise Presidente at hindi pondo ng gobyerno ang gagamitin sa naturang biyahe.

Ayon kay Kapunan, dapat linawin kung paano natutustusan ng suweldo ng isang Bise Presidente ang madalas na paglalakbay ni Duterte sa ibang bansa gamit ang sariling pera.

Iginiit din niyang dapat nakabatay sa mga dokumentong inihain sa impeachment court ang pagpapaliwanag ni Duterte, partikular sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman.

--Ads--

Pinuna rin ni Kapunan ang umano’y kawalan ng kahandaan ng Bise Presidente na harapin ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.