--Ads--

Magsisimula ngayong Lunes, Nobyembre 9, ang paghaharap ng defense team ni Vice President Sara Duterte ng mga testigo sa impeachment trial sa Senado.

Nakatakdang iharap ang 24 na proposed witnesses mula Nobyembre 9 hanggang 13, kabilang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, corporate counsel at mga executive mula sa pitong bangko.

Ayon kay dating impeachment lawyer Tranquil Salvador III, maaaring makatulong ang mga testimonya upang malaman kung haharap mismo si Duterte sa witness stand.

Matatandaang nagtapos na noong Oktubre ang presentasyon ng ebidensya ng prosecution panel, kabilang ang pagtataya na may ₱817.87 milyong umano’y hindi maipaliwanag na yaman at hindi idineklarang assets at income sina Duterte at asawang si Manases Carpio mula 2022 hanggang 2025.

--Ads--

Gayunman, iginiit ng tagapagsalita ng Bise Presidente na nabigo ang prosecution na patunayan ang mga alegasyon laban sa kaniya.