--Ads--
Naiuwi ni International Master Jem Garcia ang nag-iisang gintong medalya ng Pilipinas matapos manguna sa Open Rapid event ng 7th ASEAN+ Individual Chess Championships na ginanap sa AMORAP sa Sinacaban, Misamis Occidental nitong Lunes ng gabi.
Nagtala ng 6.5 puntos si Garcia sa kabuuang pitong rounds, kabilang ang tabla sa huling round kontra kay Mongolian FIDE Master Ganbat Tenguundalai.
Ang 31-anyos na si Garcia, na beterano na rin sa Chess Olympiad, ang nagligtas sa Pilipinas mula sa posibilidad na hindi makapag-uwi ng gold medal sa naturang kompetisyon.
Tumatagal nang isang linggo ang torneo na pinondohan ni Governor Henry Oaminal Sr. at sinuportahan ng Philippine Sports Commission at WR Chess.
--Ads--







