--Ads--

Itinakda sa November 23 ang pag-sponsor o pagprisinta sa plenaryo ng panukalang 2027 national budget.

Ito ang kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito sa gitna na rin ng ongoing na impeachment trial na sabay ding ginaganap sa Senado.

Aminado si Ejercito na hindi niya kakayanin ang orihinal na schedule ng sponsorship na dapat sana ay bukas gagawin.

Paliwanag ng senador, napakarami pa nilang dokumentong kailangan na i-review partikular na ang mga proyekto sa Department Of Public Works And Highways (DPWH).

--Ads--

Pagkatapos naman ng sponsorship sa 2027 budget ay diretso na rin itong isasalang sa plenary debates.

Target naman na isumite ni Ejercito ang committee report ng budget bill sa November 18 o 19.