Personal na nagtungo sa Land Transportation Office o LTO si BINI member Mikha Lim nitong Miyerkoles, Nobyembre 11, matapos mag-viral ang video kung saan makikitang nagmamaneho habang gumagamit ng cellphone at nagba-vlog.
Ayon kay LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao, boluntaryong humarap si Lim sa ahensya bago ang itinakdang Nobyembre 20 upang ipakita ang kanyang pakikipagtulungan sa imbestigasyon.
Inisyuahan na rin siya ng show cause order at ipinaliwanag ang mga posibleng paglabag na kinabibilangan ng Anti-Distracted Driving Act, reckless driving at pagiging improper person to operate a motor vehicle.
Bilang preventive measure, sinuspinde ng LTO ang driver’s license ni Lim sa loob ng 90 araw.
Ayon kay Lacanilao, pinagsisihan naman ng singer ang insidente at inamin ang kanyang pagkakamali.
Inaasahang maglalabas ng pinal na resolusyon ang LTO sa loob ng isang linggo.






