--Ads--

Binigyang-diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi pakikipag-away sa China ang ginagawa ng Pilipinas sa halip ay ang paninindigan para sa karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS).

Sa ambush interview nitong Miyerkules, nilinaw ni Teodoro na bagama’t kinikilala ng bansa ang malaking pagkakaiba sa lakas at laki ng militar ng Pilipinas at China, hindi ito dahilan upang isuko ang mga karapatan ng bansa.

Ayon kay Teodoro, batas at kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang nakataya kaya hindi dapat makipagkompromiso ang bansa sa usapin.

Dagdag pa ng kalihim, batid ng mga Pilipino na hindi dapat mamili sa pagitan ng paninindigan para sa karapatan ng bansa at pag-iwas sa komprontasyon.

--Ads--