--Ads--

Nagpakitang-gilas ang pambato ng Pilipinas na si Bea Millan-Windorski sa swimsuit fashion show ng ika-75 edisyon ng Miss Universe 2026 sa Puerto Rico matapos ipamalas ang kumpiyansa, elegansiya at husay sa pagrampa.

Ipinakita ni Bea ang kanyang poise at malakas na stage presence sa naturang pagtatanghal na bahagi ng mga aktibidad para sa ika-75 anibersaryo ng prestihiyosong beauty pageant.

Gayunman, umani ng pagkadismaya at batikos mula sa pageant fans ang naturang palabas na tinaguriang “Beauty on the Beach” dahil sa umano’y hindi maayos na entablado at pansamantalang runway na gawa sa telang inilatag sa buhanginan.

Ilang kandidata ang nadapa habang rumarampa, kabilang sina Bea at Clara Vegas ng Venezuela, dahilan upang kuwestiyunin ng ilang pageant personalities at fans ang kalidad ng production.

--Ads--

Samantala, nakatakdang idaos ang coronation night sa Nobyembre 24 sa Puerto Rico o Nobyembre 25 sa Pilipinas, kung saan ipapasa ng reigning queen na si Fatima Bosch ng Mexico ang korona sa kanyang successor.