Nakahanda na si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski sa paglipad patungong Puerto Rico upang katawanin ang Pilipinas sa ika-75 edisyon ng Miss Universe.
Bago ang kanyang pag-alis, magsasagawa ng send-off event ang Miss Universe Philippines organization sa Nobyembre 5, ganap na alas-3 ng hapon sa NAIA Terminal 1 upang bigyang-suporta ang beauty queen.
Ibinahagi rin ng beauty queen ang kanyang hangaring gamitin ang Miss Universe platform upang bigyang-boses ang mga marginalized communities, kabilang ang mga mangingisda, indigenous people at mga komunidad na apektado ng climate change at pagmimina.
Bukod dito, determinado rin si Bea na maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas.
Gaganapin ang coronation night sa Nobyembre 24 sa Puerto Rico.








