--Ads--

Nabiktima umano ng parcel scam ang aktres at social media personality na si Sachzna Laparan na nagresulta sa pagkawala ng mahigit ₱10,000.

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ni Laparan ang screenshots ng kaniyang pakikipag-usap sa isang delivery rider at ang umano’y waybill ng mga parcel na hindi naman pala naihatid sa kaniyang bahay.

Ayon kay Laparan, sa loob ng isang linggo ay patuloy siyang sinisingil ng rider para sa mga parcel na hindi naman dumarating. Dahil abala siya at madalas na sa condominium nananatili, nagbabayad siya nang hindi agad napapansin na may iregularidad.

Sinabi rin niyang mas pinipili niya ang cash-on-delivery dahil sa dati na niyang karanasan na hindi naihahatid ang mga parcel kahit bayad na ang mga ito.

--Ads--

Bukod sa halaga ng mga order, nagdagdag pa umano ang rider ng ₱50 sa bawat singil na binayaran din niya.

Umaasa ngayon si Laparan na matutulungan siya ng mga awtoridad na mabawi ang perang nawala sa kaniya.