--Ads--

Itinanggi ng aktor na si McCoy de Leon ang mga espekulasyong nagsabay ang relasyon nila ng dating partner na si Elisse Joson at ng aktres na si Sachzna Laparan.

Sinabi ni McCoy na hindi totoo ang mga kumakalat na impormasyon tungkol sa naturang usapin.

Nanawagan din ang aktor sa publiko na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon, lalo na dahil may mga pamilyang sangkot at isang bata na maaaring maapektuhan.

Matatandaang inamin ni Laparan na dati silang nagkaroon ng relasyon ni De Leon.

--Ads--

Ayon kay Laparan, ilang taon nang nangyari ang kanilang relasyon at ngayon lamang ito nalaman ng publiko. Aniya, naisip niyang panahon na upang ibahagi ang tungkol dito.

Kasunod ng mga naging reaksyon sa kaniyang pahayag, sinabi ni Laparan na maayos naman ang kaniyang kalagayan, bagama’t inamin niyang hindi niya alam kung may nasaktan o nagalit sa kaniyang mga sinabi.

Dagdag pa ng aktres, hindi pa niya nakakausap sina De Leon at Joson matapos ang kaniyang pagbubunyag.