--Ads--

Tatlong construction worker ang nasawi matapos mabagsakan ng water tank habang nagwewelding sa isang water facility na ginagawa pa lamang sa Barangay Simayung, Abulug, Cagayan, nitong Huwebes ng umaga, Nobyembre 19.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Abulug, gumamit pa ng excavator upang maiangat ang bumagsak na tangke, subalit wala nang buhay nang makuha ang tatlong manggagawa.

Samantala, nilinaw ng Abulug Water District na wala silang pagmamay-ari o anumang operasyon sa nasabing pasilidad dahil ito ay pag-aari ng isang kooperatiba.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak ng water tank.

--Ads--