--Ads--

Nakatuklas ng tinatayang P600 milyong halaga ng ginto ang mga construction worker habang nagsasagawa ng renovation sa isang gusali sa Dendermonde, Belgium.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang malaking dami ng ginto sa mga pader ng basement ng isang bahay, kabilang ang nasa 50 gold bars at mga gintong barya.

Nadiskubre umano ang mga ito habang naghuhukay ang mga manggagawa para maglagay ng tubo para sa sewerage system.

Agad namang inimbentaryo at inilagay sa high-security vault ng federal government services ang mga ginto.

--Ads--

Hindi pa malinaw kung sino ang legal na may-ari nito, habang nagbabala ang pulisya sa mga treasure hunter na huwag nang puntahan ang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan at tunay na may-ari ng natuklasang kayamanan.