--Ads--
Pumanaw na ang viral internet sensation na si Fiona, isang siyam na taong gulang na Nile hippopotamus na inalagaan ng Cincinnati Zoo sa Estados Unidos.
Ayon sa pahayag ng zoo, nagkasakit si Fiona matapos aksidenteng makakain ng winter hat na nahulog sa kaniyang kulungan noong nakaraang linggo.
Sinubukan ng veterinary team na alisin ang nasabing bagay sa kaniyang digestive system at binigyan din ito ng kinakailangang medical support, subalit hindi na ito nakaligtas.
Nakilala si Fiona sa buong mundo matapos ibahagi ng Cincinnati Zoo ang kaniyang kuwento ng pakikipaglaban sa buhay nang isilang ito nang premature o kulang sa buwan halos isang dekada na ang nakalipas.
--Ads--





