--Ads--

Tatlong sundalo ng El Salvador ang nasawi matapos sumabog ang mga pampasabog na kanilang inaayos sa isang kampo sa Haiti.

Dalawa pang sundalo ang nagtamo ng injuries at kasalukuyang sumasailalim sa medical treatment. Hindi naman isiniwalat ng militar ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan.

Ito ang unang pagkamatay sa hanay ng humigit-kumulang 2,500 sundalo ng El Salvador na ipinadala sa Haiti simula noong huling bahagi ng Oktubre.

Una nang iniutos ni El Salvador President Nayib Bukele ang pagpapadala ng mga tropa upang hanapin ang apat na aviation technician na nawawala matapos atakihin ang kanilang sasakyan malapit sa Port-au-Prince noong Oktubre 18.

--Ads--

Mula sa rescue mission, lumawak ang operasyon at nakatuon na rin sa pagsugpo sa mga armed gangs sa bansa, katuwang ang mga sundalong Haitian at iba pang international forces.

Gayunman, nananatiling hindi malinaw ang kapalaran ng apat na nawawalang technician. Bagama’t sinabi ng lider ng 400 Mawozo gang na patay na ang mga ito, iginiit naman ng pamahalaan ng El Salvador na buhay pa sila.