--Ads--

Narekober ng mga opisyal ng Barangay Tagaran, Cauayan City ang isang abandonadong motorsiklo sa isang open area.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan isang concerned citizen ang nag-ulat kaugnay sa nakitang motorsiklo na iniwan na lamang sa purok 3, Barangay Tagaran.

Ang motorsiklo ay kulay puting Wave na may plate number na BF 87257.

Sa ngayon ang abandonadong motorsiklo ay nasa pangangalaga na ng Barangay para sa kaukulang disposisyon.

--Ads--