--Ads--
Sumabak sa pag-arte ang beauty queen na si Ahtisa Manalo sa paparating na thriller film na Red Crown.
Gaganap si Manalo bilang Dolly, ang kinatawang “Queen of Quezon” sa fictional beauty pageant na Queen of the Islands.
Ayon kay Manalo, excited siya sa bagong hamon dahil iba ang pag-arte kumpara sa pageantry. Naghanda rin siya sa pamamagitan ng ilang acting workshop, lalo na sa pagpapakita ng emosyon sa harap ng kamera.
May susunod na serye rin umano siyang guest appearance, ngunit wala pa siyang konkretong plano kung tuluyan na siyang papasok sa showbiz.
--Ads--
Kasama ni Manalo sa cast ng Red Crown ang ilang beauty queens at iba pang artista.








